Bakit?
Bakit? Ito rin ang ang unang sumagi sa isip ko nung nakita kita. Dalawang taon ang lumipas at sa dalawang taon na iyon...saka lang kita napansin at napuna.
Marahil nung mga panahon na iyon ay bata ka pa sa aking paningin. Na ngayon, ika'y nasa proseso nang "this girl has turned into a beautiful lady". Siguro nga late bloomer ka at nagsisimula ng mas alagaan ang iyong sarili. Konting lipstick, mascara at pag style ng iyong buhok ay parte ng pang araw - araw mo bago pumasok sa opisina. Hindi naman maipagkakaila na isa ka sa may magandang muhka sa ating departamento. Pero, hindi naman tungkol sa iyo kung bakit ako nagsimulang magsulat ulit.
Ito ay para sa sarili ko. Nakakasawa nang mag monologue. Alam kong nagsasawa at naririndi na ang mga kilala ko sa bawat pag banggit ko ng pangalan mo. Hindi ko masasabi na "heartbroken" ako dahil unang una sa lahat wala tayong naging relasyon. Pangalawa, ego ko ang nasaktan hindi puso. Ikaw lang ang tanging babae na nambasted sa akin. Marahil siguro, masyado akong naging kampante na papayag ka na mag date Tayo. Aaminin ko, nasaktan ako dun. Ngayon, maayos na yung pakiramdam ko at kaya kong lumapit sa iyo ng walang pag-aalinlangan. Na kakausapin kita ng walang kaba sa dibdib at hindi maiilang. Nasa balikat ko na ang "Ego" ko. Konti na lang masasabi kong tapos na ang panandaliang kahibangan ko.
Ang hiling ko lang na i-ayon mo ang kilos mo sa sinasabi mo. Huwag mong hintayin na tuluyan kitang kalimutan. Ika nga sa Ingles, don't wait for me to fully forget that you existed... Kaya kong gawin iyon at hindi ito ang unang pagkakataon. Pero muhkang desidido ka na at wala na akong magagawa. Salamat dahil sa panandaliang pagkakataon napasaya mo ako. Nakakalungkot din isipin na simula bukas hindi ka na mag "e-exist" sa realidad ko.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home