Monday, June 20, 2005

Tatlong Kanta Para Sayo

A.D.S.
By Anxiety Overload

Hello, ikaw nga ba yan?
Matagal tagal na din akong nanabik sa’yo
Idinial ko muli ang numero sa aking telepono
Hello? Hello? May tao pa ba sa kabilang linya?

Refrain:
Bumalik ka bigla
Ng wala lang pasabi
Bakit ngayon lang?

Chorus:
Ngunit Ayoko na
Sawang sawa na ako
Sa mga laro mo
Hayaan mo na lang ako
Masaya na ako sa munti kong mundo

Wag mong sabihin na ako’y mahal mo pa
Hindi ko na ito ramdam sinta
Sana maintindihan mo
Ang saloobin ko
Akala mo siguro ay ibibigay ko ulit sayo
Ang maselan kong puso sa pagkakataon na ito
Tapos na ang lahat
Ang lahat….

Refrain
Chorus

7.45 pm March 29, 2005






Delirium
By Anxiety Overload

Looking at my phone
I thought it was you
I thought it was you
Who left a message on my phone
Those 3 words wanting me back
Is it you? Is it you?
I’m calling out for you

Chorus:
When shall the hurting stop
The memories forgotten
Take my delirium away

You’re hunting me like an animal in the wild
I know that I’d still be running back to you
No matter how long or how it takes
I’ll leave all my fears and worries behind
I’d turned back you weren’t there

Bridge:
With this heart you took
I’ve become weak and helpless
Weak and helpless

9.15 am March 30, 2005

Pag – sigaw sa Katahimikan
By Anxiety Overload

Nakakasawa, nakakarindi mga boses na nakakabingi
Damdaming nag – aalab nag ngingit – ngit
Gusting gumanti

Magulong utak, paningi’y dumidilim
Tunay na pagkatao’y gustong palabasin
Sakit sa mundo, pagsuko sa mga taong hindi nakakaintindi
Ikinahihiya, pinagmumuhing galit, galit na walang humpay
Wala ng tiwala…

Handa ka na ba? Heto na ako
Tignan mo na lang ako

Pare – pareho lang sila walang ipinag – iba
Paulit – ulit, paikot – ikot umaga o gabi
Paligid na nakakarindi
Pagbabago ng isip ay wala na
Oras na pinalilipas na sumbat
Sakit ng ulo sa kanila nagsimula.

Handa ka na ba? Heto na ako
Tignan mo na lang ako

Wala ng magulang
Walang mata, isip, bibig at tenga
Nalubog ng tuluyan sa karimlan.
Handa ka na ba? Heto na ako
Tignan mo na lang ako

9.41 am March 30, 2005

0 Comments:

Post a Comment

<< Home