Tuesday, June 07, 2005

ANG MAPAIT NA KATOTOHANAN NG PAG-AARAL

Nakakainis! Sa buong akala ko makakatapos na ako sa kolehiyo ngayong buwan ng oktubre, hindi pa pala. Ayoko ng mag – aral! Gusto ko ng magtrabaho para hindi na ako napapagsabihan na magtapos na ako kasi masyado na daw magastos ang mga pangaraw- araw kong gastusin bilang estudyante. Biruin mo gusto pa ng eskwelahan ko na kumuha ako ng 2 semester ng NSTP kahit tapos na ako sa lahat ng aking community service? At kumuha rin daw ako ng 2 free electives, ano ito? Pineperahan na lang ata ako ng eskwelahan kong ito. Kung ikaw nasa sitwasyon ko, anim na taon na sa kolehiyo…matutuwa ka bang kunin pa itong mga walang kwentang subjects na ito??? Hindi na rin di ba? Wala rin naman akong nakikitang sasay nito eh. Masakit isipin pero ito na ang sitwasyong napasukan ko. Mahirap talaga kung may pangalan ang eskwelahan…sana talaga nag UPLB na lang ako. At least, ok lang kahit ako na ang magparal sa sarili ko…dahil alam ko naman na mura lang naman ang gagastusin ko. Dumagdag pa sa problema ko ang mga magulang ko. Ako na nga ang naghahanap ng paraan para makatapos, ito pa silang nagsasabi na kunin ko na lang sa susunod na semester. Di ba dapat ang magulang ang katulong mo sa bawat problema mo??? Bakit ganon sila pa ata ang nagiging isa pa sa problema??? Sila nga dapat ang susuporta sa desisyon ng mga anak nila, ngayon sila pa itong kokontra at magkikibit – balikat. Wag na lang kaya ako magtapos??? Magbanda na lang kaya ako? O di kaya, pumasok sa mga part time na trabaho? Kaso, HELLO?!!!! Ayoko na ngang pag paabot sa susunod na semester, nahihiya na ako para sa sarili ko. Hindi ba nila maunawan yon? Ang hirap talagang magpalaki ng magulang. Naiinis na talaga ako!!!! Hindi ko na malaman kung saan ko ilulugar ang sarili ko. O cge na, papayag akong matapos sa Marso pero ang kukunin ko na lang ay tatlong subjects. 2 free electives at yung panghuling NSTP, mag papart time na lang ako sa susunod na semester. Ako na ang magtutustos sa mga pang tuition ko. Asar talaga!!! Paano ko kaya masususnod ang plano ko na ito kung ayaw nga akong payagang mag enroll sa 2 petition classes ko at sa NSTP. AHHHHHHHH!!!!!!!!

Pahiram nga ng baril, baka sakaling makatulong ito…



1 Comments:

Blogger maria said...

lol u are funny on ur entries XD..i would be pissed off too if i have more and more and more school..bleh.im starting to hate school too =)

10:55 PM  

Post a Comment

<< Home