Wednesday, June 22, 2005

Ang Epekto ng Kaluluwa ng Serbesa.

Ibang klase ang red horse nung araw na iyon. Sobra talaga, hindi ko inaasahang maaksidente ako…ni hindi ko ngang lubusang naisip na ako’y makakatulog sa harap ng kompyuter. Kung sino man ang nakausap ko nung gabi o madaling araw na iyon…pasensya…naging iba ata ang tama ng kaluluwa ng serbesang aking nainom. Tumapang ng hindi ko inaasahan…ni hindi man lang ako naging handa. Kaya kung sino man kayo at kung alam mo itong blog ko…ako ay humihingi ng PATAWAD!!! Dala ito ng aking ibang pagkatao at sa likidong nagpa-iba ng aking kaanyuan. Mapa – Freudian na ideya o ang galit ko sa mundo ang aking napakita…naku, sana lang talaga Lord…wala akong nakaaway…dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nagkataon. Lalo na ngayong mahal na linggo. L pero sana lang wala talaga… ang leksyon na aking natutunan ko…kung alam kong lasing na ako hindi na ako magpipilit na mag – onlyn…dahil baka makasakit ako ng damdamin ng ibang tao. Patawad lang po…tao lang po ako na nagkakamali.


2 Comments:

Blogger maria said...

lol..this post is funny ..XD...i wish i can get drunk :O~

12:33 PM  
Blogger bughaw na langit said...

hehehe...thanks!!!yeah, i thought it was really funny too...i learned my lesson pretty well.

3:38 PM  

Post a Comment

<< Home