Saturday, May 21, 2005

Pandaliang Paglisan

Bravo!!! Yan ang masasabi ko sayo! Ang galing mong mangloko napaniwala mo ako na hindi mo na gagaguhin ang buhay mo. You promised me that you’ll change coz you’re too darn fed up with what you’re doing to your life. Now what? You’re messing up your life to the nth time. Medyo nagsasawa na akong magsabi at umintindi sa sitwasyon mo. Oo, sawa ka nang palaging nasasaktan, hindi napapasin. Everything you do and say…is “always” a failure to you. Are you sure about that? Is that another figment of your imagination? Ano ba? Sana itigil mo na yan. Wala ka naman makukuhang maganda if you keep messing up your life. Pandalian lang yan, you won’t gain anything from it in the long run…or maybe you will gain something. An early death perhaps? Kung sabagay sino nga naman ba ako sa buhay mo? Kaibigan lang naman di ba? I guess, I’ll never fit sa tipo mo. I’m not fucking rich and neither am I capable of going to the “sosyalang” lugar mo, I’m not that intelligent and I don’t have the physical qualities you want in a person. Pero ito lang, Oo, Marami akong imperfections but have you ever looked at yourself on the mirror lately? Or you’re too afraid to look at yourself. Nakikita mo na rin ba ang ka – pangitan ng sarili mo? Ang buong pagkatao mo? Sayang maganda, matalino, mayaman ka pa naman…nasa sayo na ang 3 M na hinahanap ko kaso sa ugali mo don tayo nagkatalo. Sa sobrang pagkatuyot ata ng utak mo…pati ang mga taong nag aalala at umuunawa sayo itinataboy mo. Dapat nga, intindihin pa kita kaso alam mo…oo alam kong alam mo na, na may nararamdaman ako sayo. Inabuso mo yung pagiging mabait ko sayo. Kung hindi lang dahil sa impluwensya hindi ka naman magkakaganyan di ba? Tama na sa akin ang hindi mo pagsukli sa nararamdaman ko at ang hinihiling ko lang naman ay mahalin mo ang sarili mo. Hindi yung kung kani - kaninong pontiong pilato mo itinataboy ang sarili mo. At kung pwede lang sana, umuwi ka muna sa inyo. Kasi mas maalagaan ka ng mga mahal mo sa buhay hindi dito sa Metro…sira ka na nga…lalo ka pang sisirain. Sana magising ka lang sa katotohanan na ibinabato ko sayo. Sana matamaan ka at magbago. Wag kang mag – alala, hindi naman kita kakalimutan, hindi naman pang habang buhay ang tampo kong ito. Ang sa akin lang, mailagay ang buhay mo sa tamang direksyon. Respect yourself as I respected you coz I don’t want to end things with hostility. Ingat ka palagi and usap usap na lang kung alam mong kailangan mo na ng tulong. Sana malaman mo na palagi kang may puwang dito sa puso ko.



0 Comments:

Post a Comment

<< Home