Friday, April 08, 2005

Takip - silim

Ikaw ay isang bampira
Umaaligid – ligid
Naghahanap ng bagong biktima
Sariwang dugo’y inaasam

Ako ay isang bampira
Tuwing gabi’y buhay
Naghahanap at umaaligid
Sariwang laman ang inaasam



Sila ay mga bampira
Sa hubog ng kanilang mga muhka
Mala diyos at diyosang hulog ng langit
Uhaw sa atensyon at pag uunawa

Tayo ay mga bampira
Sa pagkakasilaw sa karangyaan
Mga kamunduhang kaalaman
Sing bagsik ng mga hayop
Upang matugunan ang kagutuman at uhaw
Sa madilim at masikip na realidad ng mundo

Bampira

11.24 pm April 7, 2005

0 Comments:

Post a Comment

<< Home