Monday, April 18, 2005

ANAK ang Iyong TATAY....



Ano nga ba ang espesyal na relasyon ng isang mag - ama? hindi ko ito alam noon hanggang sa may nangyari noong nakaraang sabado. Kitang kita ko ito kay Jeanne, ngayon ko nalaman ang "bond" ng mga anak ( mapa babae man o lalake) sa kanilang mga magulang ( mapa nanay man o tatay). Habang nandon kami sa magandang arkitekturang pagkakagawa ng bahay bakasyunan nila Jeanne, nagkakaroon iyon ng isang malalamin na kahulugan. Sa hindi inaasahang pangyayari ang munti namin kasayahan bilang magbabarkada at sa celebrasyon na rin ng graduation party ni Jeanne ay biglang lumungkot ang buong paligid, ang mga ngiti'y naging muhka ng matinding pag aalala. Biglang sinugod sa hospital ang tatay ni Jeanne ng tanghaling iyon. Nakita ko sa mga mata nya ang mga luha't damdamin na silang mag ama lang ang nakakaintindi...nakakaiingit, dahil dati ganon din ang relasyon ko sa tatay ko. Kaso sa mga hindi maiiwasang pagbubungguan ng "pride" at tigas ng ulo ay lumamig bigla ng relasyon namin. Sana balang araw ay maibalik muli iyon pero wag sanang sa sitwasyong magkaroon ng malubhang sakit ang bawat isa sa amin..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home