Pagdaan sa isang Karimlan
Maraming kulang sa buhay ng isang tao…masasabi mo lang na kumpleto ka pag natagpuan mo na ang taong o mga bagay na bubuo sa buhay mo. Bibigyang liwanag ang malabong mundo na iyong kinagagalwan. Hindi ko ito isinulat dahil sa ako ay naiinggit at walang katuwang tuwing sa mga panahon na ako’y mag – isa lamang. Hindi yon, dahil alam ko sa sarili ko na “oo nga’t walang espesyal na tao para sa akin ngayon…hindi naman siguro iyon kawalan sa pagkabuo ng isang nilalang”. Iyon ang mga maling notion ng iba tungkol sa pagiging buo…sa ngayon, may kulang sa buhay ko…pero alam kong balang araw…mabubuo din ako at alam kong mahahanap nya din ako.
1 Comments:
minsan, para hindi mo masyadong maramdaman ang sakit ng pag-iisa (o ng kakulangan sa buhay mo), tendensiyan na nating sabihing, "hindi naman talaga kawalan ang kawalan ng espesyal na tao sa buhay ko..." ika nga, defense mechanism. we tend to say na hindi naman dapat nakadepende sa ibang tao ang pagiging buo natin. true, but not always. and not most of the time.
dadating at dadating din ang oras na maghahanap tayo... dahil nga may kulang... aminin man natin o hindi...
hayaan mo... sabi nga, dadatuing din SIYA sa tamang panahon... kung kailan hindi mo inaasahan...
Post a Comment
<< Home