The week that was…
- last week February 14, 2005
* yeah, the date tells it all…it was a valentine’s day…so what…me and my good ol’ bene buddies celebrated our hearts day together…lahat may lungkot sa bawat kwento nila tungkol sa pag – ibig. Minabuting naming mag kape sa aming bagong tambayan… TUBBIES (located malapit sa good Shepard and tapat ng KFC sa bf paranaque). Habang kami ay nagpapalipas ng oras…nagmumuni – muni, napansin namin na may isang babaeng nag – iisa sa isang sulok ng aming kinalalagyan. O cge na, oo na’t lahat kami ay torpe…hindi kami gumawa ng paraan kung paano sya makilala…lumabas sya at pumunta sa KFC…habang kami naman ay pinagmumura namin ang aming mga sarili sa katorpehan na naganap. Ay nagpalipas na lang kami ng oras sa bagong ruins para kumain. Nang sa hindi inaasahang biglang dumating ang babaeng gusto namin na makilala. Sa haba – haba ng aming pag – iisip at pag – uusap…napag desisyunan namin na magpakilala…kung sabagay, mag – isa lamang siya. We can keep her company. Salamat sa tama ng kape at nagkaroon kami ng lakas ng loob upang makilala ang isang magandang dilag. Sa wakas, Joanna pala ang kanyang pangalan…hahaha…sayang, nung iimbitahan na namin sya na uminom sa beluga…biglang dating ng kanyang mga kaibigan. Sayang, di bale…bukas…Mukhang masaya and kahihinatnan ng kanyang paanyaya.
February 17, 2005
• parang isang ordinaryong araw lamang na dumaan…sa lahat ng nakaalala…maraming Salamat! Sa susunod imbitado na kayo sa bahay ko…for the mean time…mga precious few muna ang imbitado.
February 19, 2005
• ang aking munting salo – salo sa aming munting bahay. Kilala ninyo ang mga sarili ninyo…maraming Salamat sa pagpunta at pagtangkilik sa aking paanyaya na dumalo sa aking munting celebrasyon. Oo, alam kong hindi ko kayo nalasing dahil alam kong magaling akong barista…Salamat sa aking magaling na guro na si Mark! (Pare, lahat na ata ng alak at paghalo ng mga ito ay natutunan ko sa iyo.) di bale…ngayong taon na ito at sa buwan ng Oktubre sana gradweyt na ako. At paniguradong en grande ito! Ipapasara ko ang isang buong street sa aming lugar…videoke lang ang ating katapat…di ba???? Basta maraming Salamat…at sa mga hindi nakapunta naiintindihan ko kung bakit wala kayo…PERO SA SUSUNOD!!! Pumunta kayo!!! Intiendes? Salamas!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home