Tuesday, February 15, 2005

??????????

Muli kong nasilayan ang magandang umaga…muli kong nakita ang isang nakaraan. Akala ko hindi ko na siya ulit makikita, akala ko tuluyang lalayo at hindi na muling maglalandas ang aming mga daan. Hindi ko masasabing mahal ko pa siya, ngunit oo aaminin ko may pananabik ang puso ko tuwing nakikita o di kaya marinig ang pangalan nya. Hindi maaring ipagkaila, na naging malaking parte siya ng buhay ko…hindi ko rin pwedeng itago na nasaktan ko siya at ganon din ako nang dahil sa isang malaking pagkakamali…kung hindi lang ako nagpahulog at nabulag sa isang taong akala ko’y sa huli ay panghabang buhay na “kami”. Hinayaan ko ang isang pagkakataon na dumalas sa aking mga kamay. Ni hindi ko man lang inisip ang mga panahon na inukol namin para sa isa’t isa. Kung gaano kahalaga para sa amin ang bawat oras at mga usaping hindi namin aakalaing pwede pa lang gawing usapin.

Kung siya ay aking ipakikilala malamang ang sasabihin ko “ meet kathy…she’s one smart girl…” sabay titingin sa kanya. Sabay ngiti, na parang nanlalambing na may halong pang iinis. Palagi naman akong mahilig mang inis. Sa lahat ata ng aking nadaanan na relasyon hindi ata nawala ang pang iinis ko. Siguro ganon lang talaga ang paraan ko ng panlalambing. Aba ok na yata ang ganong klaseng panlalambing kesa naman na hindi ka mapansin. Tuwing natititigan ko ang mga larawan mo sa friendster, napapaisip talaga ako ng malilim.

“bakit nga ba tayo naghiwalay?”
“sa anong dahilan, kung bakit ganito ang kinahinatnan?” tanong puro na lang tanong ang bumabalot sa isip ko tuwing naaalala kita. Siguro dala lang ito ng mga pang hihinayang ko, mga desisyon na isinugal ko, masaya ako sayo ngayon. Pero kung muli mo akong pagbibigyan, hinding – hindi ko sasayangin ang bawat minuto at oras kung ikaw ay kasama ko. Pero sa ngayon, masasabi ko lang ay “ HAPPY VALENTINES DAY” sayo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home