Monday, January 24, 2005

LEAP YEAR KAMO?????

Kung ikaw ay mahilig sa horoscope ay ito ang bagay sa iyo. Mula sa baol ni Madam Katarat… inihahandog ko ang:

Boldyak Signs
Ni Madam Katarata
*Tapos na ang Kinabukasan mo..harhar..*

Ang once a year daily dose of horoscope ño…narito ako upang ibigay sa ño ang luray-luray na kapalaran ninyo…hahahaha…

Dahil birthday mo….
Special day, di ba? Kaya ang kapalaran mo ay special din. Makakatagpuan mo si Mr. Right kung girl o pa-girl ka at si Miss Right kung guy o mapagpanggap. Ang catch, hindi ka niya makikita dahil bulag siya. Pero may bonus, masasalat niya ang iyong katawan habang naglalakad siya sa corridors…maninigas… ang buo mong katawan na para bang poste...at lalakad siya ng palayo. Sayang ang beauty mo, siya pa naman ang soulmate mo. Ganyan talaga ang mundo...malupit. Kung gusto mo subukan mo na lang sa next birthday mo. At dahil ang buwan ay nasa langit at ang asteriod belt ay nasa pagitan ng Mars at Jupiter, kailangan mong mag- ingat sa mga rumaragasang meteors na ang tanging silbi ay tamaan ka sa muhka; ano pa ang magiging silbi ng one-inch foundation mo na Kukuryu?

Aries Madyuntis
Kaswal kang nasa tapat ng SM Southmall at kaswal kang babagsakan sa ulo ng mga basag na bintana, semento, upuan, overhead fan, xerox machine, pati na ang favorite mong bokalista sa isang di sikat na banda na kulay achuete ang buhok. Kaswal ka ring isusugod sa Perpetual Disservice. Babaha ang dugo mo habang kaswal na naglalampungan ang mga doktor at nars. Sa huli, kaswal kang ikakahon at ibabaon sa lupa. Sa madali’t sabi, kaswal kang ma-sho-shobak.

Taurus Taratitat
Walang takot mong tatawagan si Tita Swarding ng dzXL at sasali sa “Ponkan na Ponkan na Ponkan na Ponkan na Ponkan” contest. Mananalo ka ng life-sized clone ni Tita Swarding at one year supply of Salonpas para sa sakit ng panga mo dahil sa kakasabi ng ponkan na ponkan na ponkan na ponkan na ponkan na ponkan. Bawasan ang pagiging mapusok sa pagbili ng mga higanteng ngipin na pang-ipit sa buhok at pagsusuot ng mga pantalong Gerbod na sa labas ang tahi, masyadong jologs.

Gemini Dupang
Tumaya sa Four-digit Lotto ng 3535 – iyan ang grades mo sa Philosophy of Man. Introduction to Philippine Literature, Land Reform and Taxation, at Philippine History — mananalo ka kaya lang inilagay mo ang ticket sa bulsa ng pantalong pinaplantsa mo nang marinig mo ang kombinasyon kay Tina Revilla. Winner ang blouse mong sa loob ang bulsa dahil hinid ka madudukutan pero nakakahiya lang magbayad ka sa dyip dahil parang kinakamot mo ang boobs mo.

Cancer Anik-anik
Bagsak ka sa Advertising and Promotions sa kurso mong Marketing & Sales, isang taon na naman ang sasayangin mo; iho, mahiya ka na, pitong taon ka na sa BSBM hindi ka pa graduate. Bilisan mo ang pagligo mo dahil babanlawan mo pa lang ang sabon sa katawan mo at saka mawawala ang tubig. Nega ang maglakad sa kalsadang may bula ka pa sa tenga.

Leo Malibog
Plangak ang desisyon mong tanggapin ang katotohanan na kaya ka mag – isa ay dahil walang nagmamahal sa iyo dahil kahit nanay mo ay ayaw maniwalang gehl ka sapagkat may saging ka daw nang ipinanganak ka, para bagang Nancy Navalta. Masakit tanggapin, pero hindi siya ideal na idol. Try Jun Encarnacion o ang pinsan niyang si Encarnacion Bechaves.

Virgo D’ na Virgin
As usual, wala kang araw na hindi madedevirginize. Tantanan ang pantasya na maiiwasan ang mga maliliit na poste sa harap ng Main Gate, para kayong magnet. Magkaroon ng control sa sarili tuwing nakikita mo ang pinaglalawayan mo ng dalawang taon na rumarampa sa lobby para kang possessed.

Libra Bruhahaha....
Magtitimbang ka na naman. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, hindi ka halos makapaniwala na destined kang magkilo ng iba’t ibang bagay. Mind this, alam mo na ang presyo ng isang kilong kamatis sa may Zapote market. Wagi ka rin kung ilan ang galunggong sa isang kilong timbangan diyan sa Cherry Foodarama. Alam mo kaagad ang presyo ng baboy na kinapon ni Madam Luningning kahapon sa may Quiapo. In short, palengkera ka. (Ganda ng karir mo!)

Scorpio Tuling
Makamandag ang beauty mo ngayon dahil sa ahas ka. Pero boring ka pa rin. Haharap ka sa salamin at pati reflection mo ay iiwan ka. Pagbaba mo sa kusina malalaman mong wala na ang mga magulang mo at wala kang kakainin. Lalabas ka sa bahay at makikitang walang tao, dyip, kotse, taxi, trak at bisikleta sa kalsada. Mag – isa ka na sa buhay mo. Ang boring – boring mo. Kaya gudlak to your sorry, nasty, brutish and solitary life!

Sagittarius Tunge
Unlucky day mo, unlucky week, unlucky month, year, decade, century, and millennium. Malas ka lang talaga. Pero may oras ka naman ngayon na pabonus. Dalawang oras lang, 10 – 12:00 p.m. Kaya, if I were you, go and have some fun, ala – Cinderella baga. Punta ka ng Ermita, japan – japan ka. Marami kang mame – meet. Marami kang perang mapupulot. Hindi ka mamamatay kung magpapakamatay ka man. Unbreakable, unreachable, uncontrollable, unattainable ang iyong estatic being. At the strike of twelve, manash, balik ka sa dati. Matatapilok, mababangga, makakabasag ng pinggan, maiiwan, hindi makakatulog and to the last resort pupuntahan mo ko at magrereklamo bakit ganoon ang kapalaran mo.

Capricorn Hohorny
Lucky day mo ngayon dahil mahihipoan mo si Aquarius Charos. Kahibangan ang isipin mo na magiging dean’s lister ka, paano ‘yon, eh minuminuto ang buhay mo Ginebra ang katapat mo. Para maiwasan ang bad vibes, kumain ng tatlong kutsarang kalabasa at uminom ng isang basong katas ng kakawate at mag – alay ng kandila’t kendi sa wall – sized picture ni Nura.

Aquarius Tarus
Lucky day, Tuesday. Lucky color, Champagne pink. Lucky number, 09163654687. Lucky song, “Kahit na Magtiis”. Lucky planet, Pluto. Lucky sign, Pisces. Lucky star, Nura Aunor. Lucky moon, Titan. Lucky food, Turon at Isaw. Para makumpleto mo ang maswerte mong buhay, i –petition mo sa korte ang pagpalit ng pangalan mo sa Kulasa Ibyang de Baclaran.

Pisces Turas
Kulang – kulang ka na naman, magkakaroon ka ng mental breakdown. Yung bibilhin mong spaghetti sa Jollyvee, walang sauce. Yung panty mong Abon kulang sa garter. Yung favorite mong newspaper, Pinipino non- Daily Inquiry (PDI), kulang ng pahina, walang entertainment section. Kulang ka ng genes, hormones, braso, paa, buhok, daliri at kung anong anik – anik pa. Ilusyon mo lang na kompleto ka sa lahat dahil kulang – kulang ka sa pag – iisip. Mahirap magsinungaling frend!



Government Warning:

Excessive laughter can dislodge phlegm and tar from your almost non – exsistent lungs, go!!!!

Lahat po ng inyong nabasa dito ay kathang isip lang ng isang taong nawawala sa sarili ngunit kung mahilig kayo sa horoscope...baka maniwala kayo dito ay hindi ko po kayo sagutin. At kung si Nura ang idol ninyo ay humihingi po ako ng paumanhin dahil si Vilma ang idol ko. Lahat ng may reklamo babae, lalaki, bakla, tomboy, bata, matanda may ngipin man o wala ay pumunta lang sa aking opisina sa #666 heaven’s door st. Somewhere out there but not here. Cavite, Philippines, Asia, Earth(3rd planet from the sun), Galaxy(near the milky way), Universe. Ginawa lang po ito para makuha ang pansin ninyo, pagpasensyahan nyo na kung nasayang ng basahin na ito ang ilang minuto ninyo. harharhar....nagpapasalamat ako sa gabay at pag unawa ng aking matalik na kaibigan na si bantay at ang aking guardian angel na si Rene Requestas...good boy, sayang at kinuha ka ni Lourd(de Veyra). Salamat na din po sa aking nanay, tatay, lolo, lola at sa aking mga ninuno kung hind dahil sa inyo marahil hindi ako makakalikha ng isang makabuluhang katha na katulad nito...ü


------------------------------------------------------







0 Comments:

Post a Comment

<< Home